Mga kapulisan, patuloy ang pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad, ilegal na droga at loose firearms sa lalawigan

May 15, 2026 | News by PISD

Patuloy ang pinaigting na kampanya ng kapulisan sa ating lalawigan laban sa kriminalidad, ilegal na droga at loose firearms.

Patunay dito ang isinagawang matagumpay na operasyon ng Oriental Mindoro Provincial Police Office (OrMin PPO) katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan sa bayan ng Roxas na nagresulta sa pagkakaaresto sa isang suspek. Nasamsam sa kanya ang ilegal na droga at iba’t ibang uri ng mga baril at bala.

Pinuri naman ni Provincial Director PCOL Edison V. Revita ang grupo ng kapulisan na nakahuli sa suspek. Aniya pa, napipigilan ang mga masasamang gawaing nagdudulot ng banta sa seguridad at kaligtasan ng mga mamamayan sa pagpapatuloy ng kanilang walang kapagurang serbisyo.

𝗣𝗮𝗴𝘀𝗮𝗹𝘂𝗱𝗼 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗽𝘂𝗹𝗶𝘀𝗮𝗻!

Photo courtesy: ORMIN PPO

Source: https://www.facebook.com/share/p/1EJixCvXaE/

Scroll to Top