May 15, 2026 | News by PISD



𝗞𝗔𝗥𝗔𝗚𝗗𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 ₱𝟭𝟯 𝗠𝗜𝗟𝗬𝗢𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗘𝗗𝗨𝗞𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗧𝗨𝗧𝗨𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗬𝗔𝗡.
Ngayong araw ay tinatapos na ang paghahanda ng mga detalye ng karagdagang ₱13 milyon na pondo para sa 𝗭𝗲𝗿𝗼 𝗜𝗹𝗹𝗶𝘁𝗲𝗿𝗮𝗰𝘆 𝗮𝗻𝗱 𝗜𝗻𝗻𝘂𝗺𝗲𝗿𝗮𝗰𝘆 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 (𝗭𝗜𝗜𝗣) ng Pamahalaang Panlalawigan mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) katuwang ang Provincial Public Employment Service Office (PPESO).
Ang Zero Illiteracy and Innumeracy Program (ZIIP) ay naglalayong maturuan ang ating mga katutubong Mangyan na bumasa at sumulat. Sa kasalukuyan, 2,000 katutubong Mangyan na ang nakatapos ng programa.
Ang pondo ay laan para sa mga karagdagang Para-Teachers, kagamitan at iba pang pangangailangan upang mas maayos na maisagawa ang programa simula hunyo.
Maraming maraming salamat, Department of Labor and Employment (DOLE).
