PAgO, PCAF, DA-RFO at PAFC nagtulungan sa pagsisiyasat ng mga proyektong agrikultural sa OrMin.

May 14, 2026 | News by PISD

ππ€π†πŽ, 𝐏𝐂𝐀𝐅, 𝐃𝐀-π‘π…πŽ 𝐀𝐓 𝐏𝐀𝐅𝐂 𝐍𝐀𝐆𝐓𝐔𝐋𝐔𝐍𝐆𝐀𝐍 𝐒𝐀 ππ€π†π’πˆπ’πˆπ˜π€π’π€π“ 𝐍𝐆 πŒπ†π€ ππ‘πŽπ˜π„πŠπ“πŽππ† 𝐏𝐀𝐍𝐆-π€π†π‘πˆπŠπ”π‹π“π”π‘π€ 𝐒𝐀 πŽπ‘πˆπ„ππ“π€π‹ πŒπˆππƒπŽπ‘πŽ.

Matagumpay na isinagawa noong Abril 27–30, 2026 ang Joint Participatory Monitoring and Tracking ng mga proyektong pang-agrikultura na pinondohan ng DA sa lalawigan ng Oriental Mindoro.

Pinangunahan ito ng Provincial Agricilture and Fishery Council sa pangunguna ni PAFC Petronilo Dimailig katuwang ang Provincial Agriculturist’s Office (PAgO), sa pamumuno ni Provincial Agriculturist Christine M. Pine, kasama sina Engr. Vincent Dioshua Yambao, Ms. Vida Gempes-Basa, Engr. Raymart Anar, at Ms. Vanessa Enriquez. Katuwang ang Philippine Council for Agriculture and Fisheries (PCAF) sa pangunguna ni Ms. Elisah Eleazar at Ms. Katherine Palar, PCAF technical staff at ang Department of Agriculture – Regional Field Office (DA-RFO) staff. Layunin ng aktibidad na matiyak ang maayos na implementasyon at aktuwal na paggamit ng mga ipinagkaloob na suporta sa mga benepisyaryo.

Sa loob ng apat na araw, binisita ng monitoring team ang mga iba’t ibang asosasyon, kooperatiba at barangay upang personal na masuri ang implementasyon ng mga programa ng DA at makakalap ng impormasyon tungkol sa kapakinabangan ng mga ito. Inalam nila ang kasalukuyang kalagayan ng mga proyekto, at tiniyak na ang mga ipinagkaloob na makinarya at pasilidad ay nagagamit nang maayos at naaayon sa kanilang itinakdang gamit.

Kabilang sa binisita ang iba’t ibang proyektong pang-agrikultura tulad ng plant nurseries, postharvest facilities, farm machineries, irrigation support, financial assistance at farm-to-market roads.

Nakalikom din ng mahahalagang impormasyon mula sa mga magsasaka tungkol sa mga hamon sa operasyon ng mga proyekto, kasabay ng pagbibigay ng mga teknikal na rekomendasyon para sa mas epektibong paggamit at pagpapanatili ng mga pasilidad at kagamitan. Ipinakilala rin ang iba pang programang pang-agrikultura na maaaring mapakinabangan ng mga benepisyaryo.

Ang inisyatibong ito ay patunay ng patuloy na pagtutulungan ng Pamahalaang Panlalawigan, PCAF, DA-RFO at PAFC upang matiyak na ang mga proyektong pang-agrikultura ay epektibong naipapatupad at tunay na nakikinabang ng mga magsasaka ng Oriental Mindoro.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1Cnwftr8DF/

Scroll to Top