May 14, 2026 | News by PISD


Isinagawa ng 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐥𝐚𝐥𝐚𝐰𝐢𝐠𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐎𝐫𝐢𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐌𝐢𝐧𝐝𝐨𝐫𝐨, sa pamamagitan ng 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐕𝐞𝐭𝐞𝐫𝐢𝐧𝐚𝐫𝐲 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 sa pakikiisa ng 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐀𝐠𝐫𝐢𝐜𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐞 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐧𝐬𝐮𝐝, ang 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐁𝐢𝐨𝐬𝐞𝐜𝐮𝐫𝐢𝐭𝐲 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞𝐫𝐬’ 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 upang higit pang mapalawak ang kaalaman at kahandaan ng ating mga barangay sa pagpigil at pagkontrol ng mga sakit sa hayop, lalo na laban sa African Swine Fever (ASF).
Sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, mas magiging handa ang ating mga biosecurity officers sa pagpapatupad ng tamang biosecurity measures para maprotektahan ang kabuhayan ng mga mag-aalaga ng hayop at mapanatili ang kaligtasan ng komunidad.
Maraming salamat sa lahat ng dumalo at nakiisa para sa mas ligtas at mas matatag na livestock industry sa Bansud! ![]()
![]()
