Pagpapalakas ng Urban Agriculture: Monitoring ng Greenhouse with Hydroponics

May 13, 2026 | News by PISD

π—£π—”π—šπ—£π—”π—£π—”π—Ÿπ—”π—žπ—”π—¦ π—‘π—š 𝗨π—₯𝗕𝗔𝗑 π—”π—šπ—₯π—œπ—–π—¨π—Ÿπ—§π—¨π—₯π—˜: π— π—’π—‘π—œπ—§π—’π—₯π—œπ—‘π—š π—‘π—š π—šπ—₯π—˜π—˜π—‘π—›π—’π—¨π—¦π—˜ π—ͺπ—œπ—§π—› 𝗛𝗬𝗗π—₯π—’π—£π—’π—‘π—œπ—–π—¦ 🌱

Nagsagawa ng monitoring at evaluation ang National Urban and Peri-Urban Agriculture Program (NUPAP) at Department of Agriculture – Regional Field Office (DA-RFO) sa greenhouse with hydroponics system sa Provincial Demonstration Farm (PDF), Merit, Victoria, noong Mayo 12, 2026.

Ang pasilidad ay naiturn-over noong bumisita si DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa PDF noong Pebrero 2, 2026, na may layuning ipakita ang isang makabagong pamamaraan ng pagpapalakas ng produksyon ng high value crops tulad ng lettuce, melon, at pepper at suportahan ang urban at peri-urban agriculture sa lalawigan.

Gumagamit ito ng solar power at hydroponics system na isang modernong paraan ng pagtatanim na hindi gumagamit ng lupa, na nagtataguyod ng climate-resilient at modernong pagsasaka.

Ang pasilidad ay bukas para sa mga magsasaka at Rural-based Organizations (RBOs) na nagnanais matuto tungkol sa hydroponics at modernong teknolohiya sa agrikultura sa pamamagitan ng aktwal na obserbasyon at pagbisita sa techno-demo site.

Sa isinagawang monitoring, sinuri ang operasyon, kalagayan, at pagpapanatili ng pasilidad, pati na rin ang mga kinakailangang teknikal na suporta upang higit pang mapalakas ang programa.

Bahagi rin ng inisyatiba na ang ilan sa mga aanihin mula sa greenhouse ay gagamitin para sa value-addition initiatives na maaari ring i-adopt ng mga magsasaka bilang dagdag na kabuhayan at pagpapalawak ng kanilang produkto. Sa mga susunod na panahon maari ding pagkunan ito ng dagdag kita ng Pamahalaang Panlalawigan matapos ang pilot testing nito sa ibat-ibang high value crops.

Sa patuloy na suporta ng DA at mga katuwang na ahensya, inaasahang magsisilbi itong modelo ng makabago at sustainable na agrikultura sa lalawigan.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1BfgN6eqZS/

Scroll to Top