Micro Cooperatives, nakilahok sa mandatory training PCDO

May 13, 2026 | News by PISD

𝗠𝗶𝗰𝗿𝗼 𝗰𝗼𝗼𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲𝘀, 𝗻𝗮𝗸𝗶𝗹𝗮𝗵𝗼𝗸 𝘀𝗮 𝗺𝗮𝗻𝗱𝗮𝘁𝗼𝗿𝘆 𝘁𝗿𝗮𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗣𝗖𝗗𝗢

Aktibong nakikilahok ang micro-cooperatives mula sa iba’t ibang mga bayan sa lalawigan sa isinasagawang dalawang (2) araw na mandatory training na pinangungunahan ng mga kawani ng Provincial Cooperative Development Office (PCDO) na pinamumunuan ni PCD Officer Orlando B. Tizon simula ngayong ika-13 ng Mayo.

Nakatuon ang unang araw ng pagsasanay at kumprehensibong talakayan sa Fundamentals of Cooperatives na pinangunahan ni PCDO Supervising Cooperative Development Specialist Cristian B. De Ade.

Layunin ng gawaing ito na higit pang palawakin ang kaalaman ng mga miyembro at opisyal ng mga kooperatiba hinggil sa mga pangunahing prinsipyo, responsibilidad at mabuting pamamahala na itinuturing na susi sa pagpapabuti ng kanilang operasyon.

Para sa mga kalahok sa pagsasanay, maganda itong pagkakataon upang higit pang mapaigting ang kanilang pamamahala at pagkakaisa para sa pangmatagalang pag-unlad ng kanilang kooperatiba.

#TheCapitolNews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1Aw2vmgRJL/

Scroll to Top