May 13, 2026 | News by PISD


13 Mayo 2026, Gloria- Patuloy ang pagkilos ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro sa ilalim ng administrasyon ni Gobernador Bonz Dolor para sa tuluy-tuloy na pagbangon ng hog raisers mula sa epekto ng African Swine Fever (ASF) sa lalawigan.
Ito ay sa pamamagitan ng ASF Rehabilitation and Recovery Program na ipinatutupad ng Provincial Veterinary Office (Provet).
Sa pakikipagtuwang sa Pamahalaang Bayan ng Gloria, matagumpay na naisagawa ang dispersal ng gilts bilang bahagi ng pagsuporta sa kabuhayan ng mga miyembro ng Gloria Livestock Raisers Agricultural Cooperative (GLOLIVCO).
Patunay ang programang ito na sa pamamagitan ng pagkakaisa sa paghahatid ng mga serbisyo ng pamahalaan, unti-unting nakakabangon ang sektor ng paghahayupan mula sa mga naging epekto ng ASF sa Oriental Mindoro.
Abangan ang detalye ng mga kaugnay na gawain ukol rito.
GLOLIVCO
