May 13, 2026 | News by PISD




14 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧, 1 𝐋𝐮𝐧𝐠𝐬𝐨𝐝, 𝐛𝐞𝐧𝐞𝐩𝐢𝐬𝐲𝐚𝐫𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝐀𝐟𝐫𝐢𝐜𝐚𝐧 𝐒𝐰𝐢𝐧𝐞 𝐅𝐞𝐯𝐞𝐫 (𝐀𝐒𝐅) 𝐑𝐞𝐡𝐚𝐛 𝐚𝐧𝐝 𝐑𝐞𝐜𝐨𝐯𝐞𝐫𝐲 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 𝐧𝐠 𝐏𝐆𝐎𝐌
Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapalakas at maibangon ang swine industry sa lalawigan, namahagi ang Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro, sa pamamagitan ng 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐕𝐞𝐭𝐞𝐫𝐢𝐧𝐚𝐫𝐲 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 at katuwang ang mga lokal na pamahalaan, ng karagdagang Parent Stock breeder gilts o dumalagang baboy mula sa Pig Improvement Company (PIC), sa ilalim ng 𝐀𝐒𝐅 𝐑𝐞𝐡𝐚𝐛 𝐚𝐧𝐝 𝐑𝐞𝐜𝐨𝐯𝐞𝐫𝐲 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦.
Layunin ng nasabing programa na suportahan ang patuloy na restocking at upgrading ng mga alagang baboy ng mga hog raisers sa iba’t ibang bayan sa lalawigan na lubhang naapektuhan ng 𝐀𝐒𝐅.
𝑩𝒆𝒏𝒆𝒑𝒊𝒔𝒚𝒂𝒓𝒚𝒐 𝒏𝒊𝒕𝒐 𝒂𝒏𝒈 14 𝒏𝒂 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏 𝒂𝒕 𝒊𝒔𝒂𝒏𝒈 𝒍𝒖𝒏𝒈𝒔𝒐𝒅 𝒔𝒂 𝒍𝒂𝒍𝒂𝒘𝒊𝒈𝒂𝒏 𝒏𝒂 𝒉𝒊𝒏𝒂𝒕𝒊 𝒔𝒂 𝒂𝒑𝒂𝒕 𝒏𝒂 𝒄𝒍𝒖𝒔𝒕𝒆𝒓𝒔.
Katuwang rin ng gawaing ito ang pamamahagi ng mga semilya para sa Artificial Insemination bilang bahagi ng pagsusulong ng ligtas, episyente, at dekalidad na pagpapalahi ng mga baboy.
Inaasahang makatutulong ang programang ito sa pagpapataas ng produksyon at muling pagpapasigla ng industriya para sa matatag na kabuhayan ng hog raisers sa Oriental Mindoro.
