May 12, 2026 | News by PISD

Kinikilala at pinasasalamatan ng Pamahalaang Panlalawigan ang Apartelle de Francesca bilang pangunahing katuwang at training venue para sa housekeeping training sa ilalim ng programang DOLE-TUPAD.
Bahagi ito ng pagpapalakas at pagsuporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa implementasyon ng programa ng DOLE upang mabigyan ng oportunidad sa trabaho at dagdag-kabuhayan ang mas marami pang mamamayan.
