Governor Bonz, pinangunahan ang send-off sa 200 delegado ng Palarong Pambansa

May 10, 2026 | News by PISD

๐—š๐—ข๐—ฉ๐—˜๐—ฅ๐—ก๐—ข๐—ฅ ๐—•๐—ข๐—ก๐—ญ, ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—ก๐—š๐—จ๐—ก๐—”๐—›๐—”๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—˜๐—ก๐——- ๐—ข๐—™๐—™ ๐—ฆ๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐——๐—˜๐—Ÿ๐—˜๐—š๐—”๐——๐—ข ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฅ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—•๐—”๐—ก๐—ฆ๐—”

10 ๐˜”๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ 2026, ๐˜•๐˜ข๐˜ถ๐˜ซ๐˜ข๐˜ฏ โ€” Buong suporta at inspirasyon ang ipinadama ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro sa isinagawang send-off ceremony para sa 200 delegasyon kasama ang mga atletang lalaban sa Palarong Pambansa 2026 sa Agusan del Sur.

Pinangunahan ni Governor Bonz Dolor, katuwang ang mga opisyal ng dalawang dibisyon ng DepEd ang simpleng programa na ginanap sa Porfirio G. Comia Memorial National High School sa Brgy. Barcenaga, Naujan ngayong Mayo 10.

Binubuo ang delegasyon ng mga atleta mula sa Department of Education (DepEd) Oriental Mindoro at Calapan City Divisions, kasama ang kanilang coaches, chaperones at technical officials.

Ipinagkakaloob dito ang personal hygiene kit at Php6,300 cash incentives para sa bawat atleta ng dalawang dibisyon, bukod sa karagdagang training allowance para naman sa Oriental Mindoro division delegation.

Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Gob. Dolor ang mga atleta na ibigay ang kanilang buong husay habang pinananatili ang disiplina, respeto, mabuting karakter, at sportsmanship bilang kinatawan ng lalawigan.

Kinilala rin niya ang malaking papel ng mga magulang sa patuloy na pagsuporta sa kanilang mga anak.

โ€œWala kayong request, pero kusang ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan ang baon ninyo. Pantay-pantay ito dahil pantay ang tingin ko sa inyo at mahal ko kayo,โ€ ayon sa Ama ng Lalawigan.

Dagdag pa niya, higit sa medalya at panalo, nais niyang maiuwi ng delegasyon ang magandang feedback tungkol sa pagiging disiplinado, mabait, malinis sa lahat ng bagay, at may mabuting karakter ang mga Oriental Mindoreรฑo.

Nagpahayag naman ng pasasalamat sa Pamahalaang Panlalawigan ang DepEd.

Ayon kay Calapan City Division SGOD Chief Allan L. Paigao, taus-puso ang kanilang pasasalamat kay Governor Dolor dahil sa buong suportang ipinagkaloob nito sa buong delegasyon. Gayundin, ang naging pasasalamat ni Oriental Mindoro Division ASDS Dr. Haide Padua sa walang sawa at tuluy-tuloy na pagsuporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga atleta.

Samantala, kasama rin ng Ama ng Lalawigan sa send-off ceremony ang kanyang maybahay na si FL Hiyas Govinda Ramos-Dolor, Sangguniang Panlalawigan 2nd District Board Member at Committee on Education Chairperson Atty. Roland Ruga, SK Federation President at SP Board Member JAM Dolor, 1st District Board Member Alely Casubuan-Tan, DepEd Or.Mindoro Division EPS Dr. Eddy Dalisay, PGDH Provincial PESO Manager Antonio Magnaye Jr., Office of the Governor – Special Concerns Division Chief Junielo Alcuran, at Acting Provincial Treasurer Christine Myra Leviste.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1AxpwKzPoE/

Scroll to Top