May 7, 2026 | News by PISD


𝐋𝐢𝐠𝐭𝐚𝐬 𝐬𝐢 𝐌𝐨𝐦𝐦𝐲, 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡𝐲 𝐬𝐢 𝐁𝐚𝐛𝐲
Ang pagbubuntis ay maituturing na isang himala. Dumadaan ang isang babae sa iba’t ibang pagbabago para gumawa ng isang buhay. Bilang Pamahalaan, may magagawa tayo upang masigurado ang kaligtasan ng Nanay at supling sa sinapupunan.
Ang 𝐎𝐁-𝐆𝐘𝐍𝐄 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐥𝐞𝐱 sa Oriental Mindoro Provincial Hospital (OMPH) sa Lungsod ng Calapan ay ang magsisilbing pasilidad para sa mga serbisyong medikal kagaya ng 𝗽𝗿𝗲-𝗽𝗿𝗲𝗴𝗻𝗮𝗻𝗰𝘆, 𝗽𝗿𝗲𝗴𝗻𝗮𝗻𝗰𝘆, 𝗱𝗲𝗹𝗶𝘃𝗲𝗿𝘆, 𝗽𝗼𝘀𝘁-𝗽𝗮𝗿𝘁𝗿𝘂𝗺 𝗮𝘁 𝗻𝗲𝘄 𝗯𝗼𝗿𝗻 𝗰𝗮𝗿𝗲. Bukod sa serbisyong medikal, mas pinag-iibayo pa natin, sa pangunguna ng Provincial Health Office (PHO), ang pagbibigay kaalaman patungkol sa ligtas na pagbubuntis.
