Ang pagtupad ng pangarap dahil sa TUPAD

May 7, 2026 | News by PISD

π—”π—‘π—š π—£π—”π—šπ—§π—¨π—£π—”π—— π—‘π—š π—£π—”π—‘π—šπ—”π—₯𝗔𝗣 π——π—”π—›π—œπ—Ÿ 𝗦𝗔 𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗

Sa pinalawak na pagsasanay sa ilalim ng DOLE- TUPAD sa lalawigan, sina Joshua Cuz ng Aninuan at Mark Angelo ng Barangay Balatero, Puerto Galera, ay dalawa lamang sa mga benepisyaryong nabigyan ng pagkakataong sumailalim sa Housekeeping training sa Francesca de Apartelle sa bayan ng Puerto Galera.

Para kina Joshua at Mark, higit pa sa simpleng pagsasanay ang kanilang natanggap.

β€œMalaking tulong po ito sa amin,” ani Joshua, na nagbahagi na nadagdagan ang kanyang kaalaman at kumpiyansa sa sarili.

Ayon naman kay Mark, ang kanilang natututunan ay maaari nilang gawing dagdag na pagkakakitaan. Ibinahagi rin niya na malaki ang naitulong ng Francesca de Apartelle sa kanila mula pa noong sila ni Joshua ay naging bahagi ng unang programang JobStart ng DOLE, kaya mas naging makabuluhan ang kanilang patuloy na pagsasanay ngayon. β€œDati pa po kaming nakasama sa batch ng JobStart ng DOLE na Kapitolyo rin ang kapartner hanggang ngayon malaking bagay sa amin ang maraming kaalaman.”

Hindi naman matatawaran ang naging tulong ng training center sa kanilang pag-unlad. Sa Francesca de Apartelle, bukas at may malasakit anila sa kanila ang pamunuan ng naturang training center.

Ayon kay Dr. Jioleta A. Mendoza, may-ari ng naaturang business establishment, buong puso nilang sinusuportahan ang mga programang tulad ng TUPAD bilang paraan ng pagtulong sa mga nais matuto. Aniya, hindi lamang pagni-negosyo ang kanilang layunin kundi angtumulong din sa pamahalaan rulad ng pakikipagtuwang nila sa Pamahalaang Panlalawigan at DOLE sa pagbibigay ng maraming oportunidad sa larangan ng housekeeping at kaugnay na pagsasanay na ino offer ng kanilang training center.

Dagdag pa niya, kapag maganda ang performance ng trainees, binibigyan nila ang mga ito ng pagkakataong ma-empleyo sa kanilang establisyamento. Kalakip nito ang pagtitiyak nila ng todong pagkatuto sa pamamagitan ng hands-on na pagtuturo lalo pa’t nais nilang maging handa ang mga trainees sa aktwal na trabaho.

Pinasalamatan naman nina Joshua at Mark ang oportunidad na makasama silang dalawa sa batch na ito na nabigyan ng pagkakataong mapasama sa pagsasanay. Umaasa naman sila na marami pang tulad nila ang matutulungan ng naturang programa lalo at batid nilang todo ang suporta ng Kapitolyo sa programang ito ng Department of Labor and Employment (DOLE), bilang isa sa mga pangunahing katuwang na institusyong nagpapatupad ng programa.

#thecapitolnews#feature

Source: https://www.facebook.com/share/p/1Ea2EQFJjo/

Scroll to Top