TUPAD Training sa lalawigan, higit na pinalawak

May 6, 2026 | News by PISD

𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗 𝗧π—₯π—”π—œπ—‘π—œπ—‘π—šπ—¦ 𝗦𝗔 π—Ÿπ—”π—Ÿπ—”π—ͺπ—œπ—šπ—”π—‘, π—›π—œπ—šπ—œπ—§ 𝗑𝗔 π—£π—œπ—‘π—”π—Ÿπ—”π—ͺπ—”π—ž

06 π˜”π˜’π˜Ίo 2026, π˜—π˜Άπ˜¦π˜³π˜΅π˜° 𝘎𝘒𝘭𝘦𝘳𝘒 – Mas pinaigting at pinalawak ang implementasyon ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program sa Oriental Mindoro, bunga ng matibay na ugnayan at aktibong pagtutulungan ng Provincial Government of Oriental Mindoro (PGOM) at Department of Labor and Employment (DOLE), katuwang ang pribadong training centers na patuloy na nagbubukas ng kanilang pasilidad para sa pagsasanay ng mga benepisyaryo.

Noong ika-6 ng Mayo, binisita nina PGDH–Provincial PESO Manager Antonio Magnaye, Jr. at PPESO Program Focal Person Remar Troy Romero ang TUPAD beneficiaries sa iba’t ibang training centers na katuwang sa pagpapatupad ng programa. Kabilang dito ang 44 beneficiaries sa Francesca de Apartelle sa Puerto Galera para sa Housekeeping Training at ang mga Barangay Water at Barangay Dulangan I sa bayan ng Baco para sa Organic Agriculture Production na may 72 beneficiaries.

Tiniyak ni Dr. Jioleta A. Mendoza, ng Francesca de Apartelle, na patuloy silang magiging bukas sa pagtanggap ng mga trainees.

Gayundin ang pahayag ni Baco Agri-Tech Training Center Administrator Amando Dayrit, Jr. at TESDA-accredited Trainer/Assessor for Organic Agriculture Shiela Murielle R. Lumat na bagamat maikli aniya, ang panahon ng pagsasanay, sinisiguro nilang de-kalidad at sapat ang kaalamang naibabahagi sa mga benepisyaryo.

Ang Pamahalaang Barangay ng Water sa pangunguna ni Barangay Captain Evangeline Banta, nagpasalamat sa DOLE at Kapitolyo kasunod ng pagpahayag din ng todong suporta sa programa.

Samantala, patuloy namang nakikinabang ang iba pang mga benepisyaryo sa iba’t ibang kursong iniaalok ng naturang ahensya.

Kabilang sa mga ito sina Joshua Cuz ng Brgy. Aninuan at Mark Angelo ng Barangay Balatero mula sa Puerto Galera, at sina Rowena Ani ng Barangay Water at Melanie Morales ng Barangay Santa Rosa I mula sa bayan ng Baco. Ayon sa kanila, malaking tulong ang mga kasanayang kanilang natututunan na maaari nilang magamit bilang dagdag na pagkakakitaan. Nagpahayag din sila ng pasasalamat sa DOLE at sa Pamahalaang Panlalawigan sa pagbibigay ng oportunidad na magiging daan upang sila ay maging mas produktibo.

Binigyang-diin naman ni Provincial PESO Manager Magnaye na sa pangunguna ni Governor Bonz Dolor, patuloy na paiigtingin ng Pamahalaang Panlalawigan ang pakikipag-ugnayan sa DOLE upang mapalawak pa ang saklaw ng mga programang pangkabuhayan at mas marami pang Oriental MindoreΓ±o ang mabigyan ng pagkakataong mabigyan ng kaalaman, makapaghanap-buhay at unti-unting umasenso sa pamamagitan ng mga ganitong inisyatiba.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1HwKa8pP9f/

Scroll to Top