May 6, 2026 | News by PISD

TINGNAN: Isa nang ganap na bagyo ang minomonitor ng DOST-PAGASA na sama ng panahon sa labas ng Philippine Area of Responsibility(PAR). Kumikilos ito patungong Hilagang Kanluran at inaasahang makakaapekto sa Luzon at Visayas.
Samantala, mayroon pang dalawang nakikita ang DOST-PAGASA na sama ng panahon sa labas ng PAR kaya’t asahan ang maulang panahon ngayong linggong ito.
Base sa forecast track ng bagyo, hindi nito direktang matatamaan ang lalawigan ng Oriental Mindoro subalit makakaranas pa rin ng mga pag-ulan.
Source: Calapan Pagasa
