May 6, 2026 | News by PISD

𝗣𝗔𝗕𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢:
Ang Pamahalaang Panlalawigan ay patuloy na nagsusumikap na mapunan ang pangangailangan ng mamamayan pagdating sa usaping medikal. Ang lahat ng operasyon at gamot sa limang (5) pampublikong ospital sa lalawigan ay 𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘.
Samantala, ang 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐨𝐫’𝐬 𝐒𝐨𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐚𝐧𝐝 𝐌𝐞𝐝𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫 (𝐆𝐒𝐌𝐀𝐂) ay binuksan ng Pamahalaang Panlalawigan taong 2019 upang punan ang iba pang pangangailangan ng ating mga kababayan 24/7 tulad ng gamot na wala sa mga pampublikong ospital, laboratory tests, ambulansya at bill sa mga pribadong ospital sa pamamagitan ng 𝙂𝙪𝙖𝙧𝙖𝙣𝙩𝙚𝙚 𝙇𝙚𝙩𝙩𝙚𝙧 (𝙂𝙇).
Sa kasalukuyan, narito po ang listahan ng mga pribadong ospital sa lalawigan na tumatanggap ng Guarantee Letter (GL).
