Consultative meeting at site inspection sa pagsasaayos ng daluyan ng tubig sa Brgy Tagumpay at Brgy. Malvar, isinagawa

May 6, 2026 | News by PISD

06 Mayo 2026, Naujan – Pinangunahan nina Provincial Administrator Atty. Earl Ligorio R. Turano at Provincial Engineer Edylou B. Tejido ang isinagawang consultative meeting at site inspection kaugnay ng gagawing pagsasaayos ng daluyan ng tubig sa ilog nasasakupan ng mga barangay ng San Andres, Tagumpay at Malvar.

Ayon kay Provincial Engr. Tejido, layunin ng nasabing konsultasyon na alamin ang hinaing ng mga konsernadong barangay hinggil sa isasagawang proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan at maitiyak na walang maaapektuhan at lahat ay makikinabang.

“Sana ay mapag-usapan natin ito ng may bukas na pananaw at may konsiderasyon sa bawat isa. Nais natin na lahat ay makinabang sa naturang proyekto at mapasimulan ito kaagad bago dumating ang tag-ulan,” ang mensahe ni Atty. Turano.

Nagpahayag naman ng pagsang-ayon at pagsuporta ang mga kapitan at mga opisyal ng apektadong barangay sa mga napagkasunduang plano hinggil sa gagawing programa.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1Eej14gJUs/

Scroll to Top