Ang progreso at pagbabago ng Pinamalayan Plaza

May 6, 2026 | News by PISD

𝙋𝙧𝙤𝙜𝙧𝙚𝙨𝙤 𝙖𝙩 𝙥𝙖𝙜𝙗𝙖𝙗𝙖𝙜𝙤…

📍 Pinamalayan Plaza, Pinamalayan, Oriental Mindoro

Ang 𝗣𝗶𝗻𝗮𝗺𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗣𝗹𝗮𝘇𝗮 ay itinatag noong taong 1914-1916 sa tapat ng Munisipyo ng Pinamalayan bilang parte progreso ng Bayan. Ito ang nagsilbing pasyalan, lugar pulungan at dausan ng kasiyahan sa nagdaang 110 taon ng Bayan. Naging saksi ito sa makulay na kasaysayan ng bayan ng Pinamalayan.

Sa mga nagdaang taon, unti-unti itong nagbago kasabay ng progreso ng bayan. Mula sa Rizal Park, nadagdagan ito ng iba’t ibang pasilidad gaya ng Municipal Open Auditorium, Punzalan Gymnasium at Children’s Playground na angkop sa pangangailangan ng mamamayan. At sa pagnanais nating mas makasabay pa ito sa iba’t ibang atraksyon sa lalawigan, gaya ng mga karatig-bayan, ipinagawa natin ang Fontana del Gobernador. Isang atraksyon na maipagmamalaki at dadayuhin ng mamamayan. Ang magpapanumbalik sa sigla at saya ng puso ng Pinamalayan.

Sa lahat ng pagbabagong ito, nanatili pa rin itong 𝗣𝗶𝗻𝗮𝗺𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗣𝗹𝗮𝘇𝗮. Ang Plazang kinagisnan ng lahat at naging saksi sa makulay na kasaysayan ng bayan.

Nawa’y pag-ingatan at pahalagahan natin ito para na rin sa susunod na henerasyon.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1Fn1avuzRx/

Scroll to Top