May 6, 2026 | News by PISD


Nagsimula ngayong araw, Mayo 5, 2026, ang unang araw ng 3-Day Basketball Sports Clinic na ginaganap sa Sentrong Pangkabataan, na tatagal hanggang Mayo 7, 2026. Layunin ng aktibidad na mapaunlad ang kakayahan at kaalaman ng mga kabataang kalahok sa larangan ng basketball.
Sa unang araw, pinangunahan nina Coach FM at Coach Mark ang pagsasanay kung saan itinuro ang mga pangunahing pundasyon ng laro, iba’t ibang drills, at mahahalagang kasanayan na kinakailangan upang mas mapabuti ang performance sa basketball.
Asahan pa ang mas masaya, kapana-panabik, at makabuluhang mga susunod na araw ng Basketball Sports Clinic, na tiyak na magbibigay ng dagdag kaalaman at inspirasyon sa lahat ng kalahok.
