May 4, 2026 | News by PISD


𝗧𝗥𝗔𝗦𝗦 𝗕𝗼𝗻𝗴𝗮𝗯𝗼𝗻𝗴, 𝗣𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗶𝗻𝗶𝗻𝘀𝗽𝗲𝗸𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗶 𝗧𝗜𝗘𝗭𝗔 𝗖𝗢𝗢 𝗠𝗮𝗿𝗸 𝗟𝗮𝗽𝗶𝗱
04 Mayo 2026, Bongabong – Personal na ininspeksyon ni Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) General Manager Mark Lapid kasama si Gobernador Humerlito “Bonz”A. Dolor at Provincial Tourism Officer Dr. Dhon Stepherson V. Calda ang isa sa pinakamalaking Tourist Rest Area and Souvenir Stop (TRASS) sa lalawigan na kasalukuyang itinatayo sa bayan ng Bongabong.
Ang TRASS ay bahagi ng programa ng TIEZA na layuning paigtingin ang turismo sa buong bansa sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga imprastraktura na mayroong maayos at kumportableng pasilidad na magbibigay ng kagingawahan sa mga turista at biyahero.
Sa gitna ng matinding sikat ng araw, tuloy ang isinagawang inspeksyon nina Gob. Bonz at COO Lapid sa proyekto.
Ayon sa orihinal na disenyo nito, kasama sa itatayo rito ang restaurant kung saan ang mga bibisita rito ay maaaring makatikim at makabili ng mga lokal na pagkain.
Samantala, bukod sa kaginhawahang hatid nito, magbibigay rin ito ng panibagong oportunidad at kabuhayan sa mga lokal na mamamayan ng bayan ng Bongabong.
