Mahigit Php650M pondong pang-imprastraktura, kaloob ng TIEZA sa OrMin. simula 2019 hanggang kasalukuyan

May 4, 2026 | News by PISD

𝗠𝗮𝗵𝗶𝗴𝗶𝘁 𝗣𝗵𝗽. 𝟲𝟱𝟬𝗠 𝗽𝗼𝗻𝗱𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗴-𝗶𝗺𝗽𝗿𝗮𝘀𝘁𝗿𝗮𝗸𝘁𝘂𝗿𝗮, 𝗸𝗮𝗹𝗼𝗼𝗯 𝗻𝗴 𝗧𝗜𝗘𝗭𝗔 𝘀𝗮 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼 𝘀𝗶𝗺𝘂𝗹𝗮 𝟮𝟬𝟭𝟵 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗹𝘂𝗸𝘂𝘆𝗮𝗻

4 Mayo 2026, Lungsod ng Calapan – Sa pagharap ni Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) Chief Operating Officer (COO) Mark T. Lapid sa isang press conference ngayong ika-4 ng Mayo, inilahad niya ang mga proyektong pang-imprastraktura na ipinatutupad ng TIEZA sa iba’t ibang bayan sa lalawigan na mag-aangat sa sektor ng turismo ng Oriental Mindoro.

Ibinahagi niya na mahigit Php. 650M pondo na ang kanilang nailaan para sa mga pagawaing proyekto sa lalawigan.

Simula pa noong 2019 hanggang sa kasalukuyan, mayroon nang 17 proyektong ipinatutupad ang TIEZA, 10 rito ay tapos na at ang pito (7) ay ongoing pa.

Bukod dito, hinihiling din ni Gobernador Dolor ang suporta ng TIEZA sa itatayong Naujan Tourism Development Project na may apat na komposisyon:

1. Bambanin-Merit Tourism Esplanade;

2. Takbakin Falls Trek Adventure;

3. Montelago Hot Springs Retreat; at

4. Minglet Forest Eco-Tourism Experience.

Iprinisinta ni Provincial Tourism Officer Dr. Dhon Stepherson V. Calda ang mga nakapaloob na plano rito at ang kabuuang kapakinabangan nito sa turismo ng lalawigan at maging sa kabuhayan ng mga mamamayan.

Itiniyak naman ni COO Lapid na patuloy na magiging kaisa ng Pamahalaang Panlalawigan ang TIEZA lalo na sa pagpapabuti at pagpapalakas ng sektor ng turismo sa lalawigan.

#TheCapitolNews

Source: https://www.facebook.com/share/p/18nt9yU4Ja/

Scroll to Top