1,850 riders, nakiisa sa Riders’ Day 2026

May 3, 2026 | News by PISD

1,850 RIDERS, NAKIISA SA RIDERS DAY 2026

03 Mayo 2026, Roxas – Nasa 1,850 riders mula sa iba’t ibang riders organizations sa lalawigan ang nakiisa sa Riders Day sa Roxas ngayong araw.

Pinangunahan ang gawain ng mga opisyal ng Oriental Mindoro Riders Federation (OMRF).

Nagsimula ang programa sa isang motorcade mula Lungsod ng Calapan patungong bayan ng Roxas, na sinundan ng simpleng programa na layong palawakin ang kaalaman at kakayahan ng mga rider bilang katuwang ng pamahalaan sa iba’t ibang inisyatiba.

Dito binigyang-diin ang mahalagang papel ng mga rider sa kalsada at maging sa serbisyong pangkomunidad.

Sa simula pa ay kinikilala at sinuportahan na ng administrasyon ni Governor Bonz Dolor ang sektor ng mga rider.

Sa gawain, pinatinayan na ang sektor ng mga rider sa Oriental Mindoro ay isa nang solidong pwersa, organisado at maaasahang katuwang sa paghahatid ng tulong at serbisyo sa komunidad. Patuloy rin ang adbokasiya sa pagiging responsable at disiplinado sa kalsada, maaasahan at mapagmalasakit na mamamayan.

Sa mensahe ni OMRF President Michael William Uy, pasasalamat sa mga sumusuporta sa samahan, kabilang kay Gov. Dolor, na kilala rin bilang “Tiger” sa hanay ng mga master riders, kasama sina “Tiger” Nette Dalupan, Chief of Staff, “Tiger” Joey Dalupan, Executive Assistant IV at “Tiger” Edylou Tejido, Provincial Engineer. Pinasalamatan din niya ang Provincial Tourism Office sa pamumuno ni Dr. Dhon Stepherson Calda sa kanilang patuloy na suporta.

Ibinahagi rin ni Uy na taun-taon ay may benepisyaryo ang kanilang Riders Day. Para ngayong taon, nakatuon ang kanilang tulong sa medical assistance, environmental community services, at educational assistance, lalo na sa kapwa nila riders.

Tampok din sa taunang selebrasyon ang raffle draw para sa malaking papremyo tulad ng big bikes, bigas, at iba pa, gayundin, ang mga palaro na lalong nagpasaya sa mga dumalo.

#ridersday2026#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/17ZoPbL8Wi/

Scroll to Top