Mas pinalapit na serbisyo, handog ng PRC Mobile Service sa Segunda Distrito

May 2, 2026 | News by PISD

𝗠𝗮𝘀 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗹𝗮𝗽𝗶𝘁 𝗻𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝘀𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼, 𝗵𝗮𝗻𝗱𝗼𝗴 𝗻𝗴 𝗣𝗥𝗖 𝗠𝗼𝗯𝗶𝗹𝗲 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲 𝘀𝗮 𝗦𝗲𝗴𝘂𝗻𝗱𝗮 𝗗𝗶𝘀𝘁𝗿𝗶𝘁𝗼

02 May 2026, Bulalacao – Mas pinalapit na serbisyong pampropesyunal para sa mga residente ng Bulalacao at mga karatig bayan sa ikalawang distrito ang handog sa dalawang araw na PRC Mobile Service na nagsimula ngayong araw sa bayang ito.

Sa pagtutulungan ng Professional Regulation Commission (PRC) MIMAROPA, Provincial Public Employment Service Office (PPESO) at Pamahalaang bayan ng Bulalacao, handog nito ang mga sumusunod na serbisyo:

✅Application for Examination, initial registration, and duplication of pictures;

✅Certification and authentication of PRC documents; at

✅Signatory, issuance of NOA, renewal of pictures, and printing of PRC ID.

Sa unang araw ng programa, nasa 87 na mga residente ang nag-avail ng renewal, walo ang nagpa-initial registration, 32 ang nagpa-certify, 130 ang nagpa-authenticate, lima ang nag-apply para sa exam at 12 naman ang nagpa-reset ng kanilang LERIS account.

Para sa mga nagnanais na kumuha ng mga nasabing serbisyo, magtungo lamang sa Sangguniang Bayan Hall ng Bulalacao ngayong araw hanggang bukas, ika-3 ng Mayo, mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1B3ZeLaAB1/

Scroll to Top