May 1, 2026 | News by PISD

GRAND SANTACRUZAN, PAGTATAGPO NG PANANAMPALATAYA, KASAYSAYAN AT TURISMO
01 Mayo 2026, Pinamalayan – Mas pinatingkad ngayong taon ang Grand Santacruzan 2026 sa bayan ng Pinamalayan na nagpakita ng aktibo at malawak na partisipasyon ng PinamaleƱo at mas pinaigting na promosyon ng kulturang lokal at debosyong Kristiyano.
Ang Grand Santacruzan ay hindi lamang panrelihiyong pagdiriwang kundi isa ring mahalagang bahagi ng cultural identity ng lalawigan ng Oriental Mindoro na nakatutulong sa pagpapalakas ng lokal na turismo at ekonomiya.
Nagsimula ang makulay na prusisyon sa kahabaan ng Mabini St. Juan Morente Sr. Memorial Pilot School. Dumaan ito sa Madrid Boulevard patungo sa St. Augustine Parish.
Tampok sa prusisyon ang mga sagala na nagsuot ng makukulay at detalyadong kasuotang tradisyunal, na sumisimbolo sa mga banal na tauhan at mga imahen ng kababaihan sa Bibliya.
Tampok din dito ang 37 mga makukulay na arko na nagsilbing representasyon ng pananampalataya at kasaysayan ng Kristiyanismo sa bansa.
Pagdating sa simbahan, isinagawa ang Eucaristic celebration at flower offering bilang tanda ng pasasalamat at paggunita sa Mahal na Krus, na siyang sentrong tema ng Santacruzan.
Sinundan ito ng Banal na Misa na pinangunahan ni His Excellency Bishop Moises M. Cuevas at dinaluhan ng mga deboto at mga bisita. Itinampok din ang “Pasandal”.
Samantala, sa ngalan ni Governor Bonz Dolor, ang naturang pagdiriwang ay inisyatiba ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro sa pamamagitan ng Provincial Tourism Office na pinamumunuan ni Dr. Don Stepherson Calda katuwang ang Pamahalaang Bayan ng Pinamalayan.
