May 1, 2026 | News by PISD

๐ฏ๐ฑ ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐ญ๐๐๐ฃ ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ฎ-๐ง๐ฒ๐ฎ๐ฐ๐ต๐ฒ๐ฟ๐, ๐บ๐ฎ๐ด๐๐๐๐๐ฟ๐ผ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐๐๐๐๐ฏ๐ผ
Kasabay ng paglulunsad ng Labor Day Job Fair ngayong ika-01 ng Mayo, nag-alok ng trabaho ang Zero Illiteracy and Enumeracy Program Technical Working Group (ZIIP TWG) sa Kapitolyo na magiging Para-Teachers na magtuturo sa mga katutubong hindi marunong bumasa, magsulat at magbilang.
Sa ikatlong (3) taon ng pagpapatupad ng ZIIP, isa sa flagship program ni Gobernador Humerlito “Bonz”A. Dolor para sa mga katutubo, 35 ZIIP Para-Teachers ang nabigyan ng trabaho at pagkakataon na makapagbahagi ng kaalaman sa kanilang mga kapwa katutubo.
Matapos matanggap bilang Para-Teachers, diretso na sa contract signing ang mga ito at inaasahang magsisimula sa trabaho ngayong darating na ika-11 ng Mayo hanggang sa buwan ng Oktubre.
Samantala, sa pamamagitan ng ipinagkaloob na pondo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na Php. 13M, magkakaroon pa ng pangalawang bugso ang job hiring na ito para sa karagdagang 226 Government Internship Program (GIP) educators.
Isinisiguro ng pamunuan ni Gob. Dolor na magtutuluy-tuloy ang programang ito katuwang ang DOLE at iba pang mga tagapagtaguyod ng programa lalo pa at hangad niya na pagsapit ng taong 2028, wala nang katutubo sa lalawigan ang hindi marunong bumasa, sumulat at magbilang.
