April 30, 2026 | News by PISD

𝟮𝟵 𝗔𝗽𝗿𝗶𝗹 𝟮𝟬𝟮𝟲 | 𝙀𝙖𝙧𝙩𝙝 𝘿𝙖𝙮 𝘾𝙚𝙡𝙚𝙗𝙧𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 2026
𝐒𝐭𝐚. 𝐑𝐨𝐬𝐚 𝐈𝐈, 𝐁𝐚𝐜𝐨, 𝐎𝐫𝐢𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐌𝐢𝐧𝐝𝐨𝐫𝐨
Pinangunahan ng 𝙋𝙖𝙢𝙖𝙝𝙖𝙡𝙖𝙖𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙣𝙡𝙖𝙡𝙖𝙬𝙞𝙜𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙊𝙧𝙞𝙚𝙣𝙩𝙖𝙡 𝙈𝙞𝙣𝙙𝙤𝙧𝙤 ang pagdiriwang ng 𝙀𝙖𝙧𝙩𝙝 𝘿𝙖𝙮 2026 sa pamamagitan ng pagtatatag ng 𝗖𝗼𝗺𝗺𝘂𝗻𝗶𝘁𝘆 𝗚𝗮𝗿𝗱𝗲𝗻 sa 𝙎𝙩𝙖. 𝙍𝙤𝙨𝙖 𝙄𝙄, 𝘽𝙖𝙘𝙤, 𝙊𝙧𝙞𝙚𝙣𝙩𝙖𝙡 𝙈𝙞𝙣𝙙𝙤𝙧𝙤. Pinangasiwaan ng 𝙋𝘿𝙍𝙍𝙈𝙊 ang nasabing gawain batay sa atas ni 𝙋𝘿𝙍𝙍𝙈𝘾 𝘾𝙝𝙖𝙞𝙧𝙥𝙚𝙧𝙨𝙤𝙣, 𝙂𝙤𝙫𝙚𝙧𝙣𝙤𝙧 𝙃𝙪𝙢𝙚𝙧𝙡𝙞𝙩𝙤 “𝘽𝙤𝙣𝙯” 𝘼. 𝘿𝙤𝙡𝙤𝙧 na tiyakin ang pangangalaga sa kalikasan.
Ang proyektong ito ay sumasalamin sa temang “𝙊𝙪𝙧 𝙋𝙤𝙬𝙚𝙧, 𝙊𝙪𝙧 𝙋𝙡𝙖𝙣𝙚𝙩” sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos tungo sa konkretong pangangalaga sa kalikasan. Layunin nitong itaguyod ang food security, sustainable land use, biodiversity conservation, at climate change adaptation sa komunidad.
Higit sa lahat, pinalalakas nito ang partisipasyon, pagkakaisa, at kakayahan ng mamamayan sa environmental management at disaster risk reduction. Sa bawat tanim at bawat pagkilos, pinatutunayan natin na ang kapangyarihang pangalagaan ang mundo ay nagsisimula mismo sa ating komunidad.
Lubos na nagpapasalamat ang PDRRMO kina 𝙎𝙝𝙖𝙧𝙢𝙖𝙞𝙣𝙚 𝘽. 𝘾𝙧𝙪𝙯𝙖𝙙𝙤, 𝙅𝙤𝙝𝙣 𝙄𝙫𝙖𝙣 𝘿. 𝙎𝙤𝙙𝙚, 𝘿𝙚𝙣𝙣𝙞𝙨 𝙈. 𝙊𝙥𝙞𝙨, 𝙖𝙩 𝙆𝙚𝙫𝙞𝙣 𝙆𝙧𝙮𝙯𝙣𝙚𝙧 𝙂. 𝘽𝙖𝙡𝙞𝙣𝙩𝙖𝙩𝙖𝙬 𝙣𝙜 𝙋𝙧𝙤𝙫𝙞𝙣𝙘𝙞𝙖𝙡 𝘼𝙜𝙧𝙞𝙘𝙪𝙡𝙩𝙪𝙧𝙞𝙨𝙩 𝙊𝙛𝙛𝙞𝙘𝙚, gayundin sa 𝙗𝙪𝙤𝙣𝙜 𝙠𝙤𝙢𝙪𝙣𝙞𝙙𝙖𝙙 𝙣𝙜 𝘽𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜𝙖𝙮 𝙎𝙩𝙖. 𝙍𝙤𝙨𝙖 𝙄𝙄, 𝘽𝙖𝙘𝙤—𝙢𝙪𝙡𝙖 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙗𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜𝙖𝙮 𝙤𝙛𝙛𝙞𝙘𝙞𝙖𝙡𝙨, 𝙨𝙚𝙣𝙞𝙤𝙧 𝙘𝙞𝙩𝙞𝙯𝙚𝙣𝙨, 𝙢𝙜𝙖 𝙢𝙖𝙜𝙨𝙖𝙨𝙖𝙠𝙖, 𝙖𝙩 𝙢𝙜𝙖 𝙠𝙖𝙩𝙪𝙩𝙪𝙗𝙤𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙢𝙖𝙮𝙖𝙣𝙖𝙣 (𝙄𝙋𝙨)—sa kanilang dedikasyon, suporta, at mahahalagang ambag sa matagumpay na pagsasagawa ng mahalagang pagsasanay na ito.
———————————————————————————————————–
𝙋𝘿𝙍𝙍𝙈𝙊 𝙊𝙧𝙞𝙚𝙣𝙩𝙖𝙡 𝙈𝙞𝙣𝙙𝙤𝙧𝙤 𝙃𝙤𝙩𝙡𝙞𝙣𝙚𝙨
𝗢𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗪𝗮𝗿𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘃𝗶𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗛𝗼𝘁𝗹𝗶𝗻𝗲𝘀:
+(63) 948 146 0382
+(63) 920 951 3690
𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗧𝗿𝗮𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘃𝗶𝘀𝗶𝗼𝗻:
+(63) 916 220 1847
𝗥𝗲𝘀𝗲𝗮𝗿𝗰𝗵 𝗮𝗻𝗱 𝗣𝗹𝗮𝗻𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘃𝗶𝘀𝗶𝗼𝗻:
+(63) 948 154 1775
