PCSO, nagkaloob ng medical equipment sa OMPH

April 30, 2026 | News by PISD

𝗣𝗖𝗦𝗢 𝗻𝗮𝗴𝗸𝗮𝗹𝗼𝗼𝗯 𝗻𝗴 𝗺𝗲𝗱𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗲𝗾𝘂𝗶𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝘀𝗮 𝗢𝗠𝗣𝗛

30 Abril 2026, Lungsod ng Calapan – Pormal nang tinanggap ng Oriental Mindoro Provincial Hospital (OMPH) ang mga bagong medical equipment mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa ginanap na turnover ceremony ngayong araw sa Barangay Sta Isabel.

Ayon kay PCSO General Manager Melquiades A. Robles, ang pagkakaloob ng mga kagamitan ay bahagi ng patuloy na commitment ng PCSO sa pagpapaunlad ng mga health facilities sa buong bansa. Mapalad aniya, ang Oriental Mindoro sa pagkakaroon ng isang masipag na Gobernador sa katauhan ni Governor Bonz Dolor Ayon pa kay GM Robles, magbibigay pa ang PCSO ng dalawang ambulansya para sa OMPH.

Tinanggap ni Gobernador Dolor, kasama ang kaniyang maybahay Hiyas Govinda Ramos-Dolor, at Provincial Health Officer Dr. Cielo Angela A. Ante, ang mga medical equipment. Kabilang na rito ang isang digital x-ray machine, walong ECG at limang ventilator.

Ang donasyong ito ay bahagi ng patuloy na pakikipag-ugnayan ni Gobernador Bonz sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang patuloy na mapataas ang antas ng serbisyong medical sa mga pampublikong ospital sa lalawigan.

Samantala, naging saksi sa naturang gawain sina PCSO Chairperson Felix P. Reyes, Director Jennifer Liongson – Guevara, Director Janet De Leon Mercado, mga doktor at kawani ng OMPH at iba pang mga opisyal.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1Dmu7KrKCG/

Scroll to Top