PCSO, nagbigay ng mga bagong kagamitang pangkalusugan sa OMPH

April 30, 2026 | News by PISD

Panoorin: Pormal nang ipinagkaloob ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa pamamagitan ni PCSO General Manager Melquiades A. Robles, ang mga bagong kagamitang pangkalusugan na donasyon sa Oriental Mindoro Provincial Hospital (OMPH) sa ginanap na turnover ceremony ngayong araw, Abril 30.

Tinanggap naman ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor katuwang si Provincial Health Officer Dr. Cielo Angela A. Ante ang mga kagamitan na inaasahang makatutulong upang mapunan ang mga pangangailangan ng OMPH.

Source: https://www.facebook.com/share/r/18ZLRTUrUS/

Scroll to Top