April 30, 2026 | News by PISD

30 Abril 2026 – Lungsod ng Calapan – Nagaganap ngayong araw ang Orientation/Coordination Meeting with Commercial Sand and Gravel (CSAG) Permit Holders na pinangunahan ng Provincial Government-Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO) sa Kapitolyo.
Layunin ng gawaing ito na talakayin ang iba’t ibang updates hinggil sa mga umiiral na polisiya at proseso para sa maayos na sand and gravel operation sa lalawigan.
Binigyang diin ni PG-ENRO Lily May E. Lim sa kaniyang mensahe na ang mga CSAG permit holders ay may shared responsibility para sa pangangalaga sa kalikasan ng lalawigan. Aniya pa, bagama’t ito ay nagbibigay ng kita sa Kapitolyo, isinusulong pa rin ang patuloy na pangangalaga sa kalikasan ng lalawigan sa tagubilin na rin ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor.
