April 30, 2026 | News by PISD

Operational Period Briefing
April 30, 2026 | 3:00 PM
Isinagawa ang Operational Period Briefing sa pangunguna ni Incident Commander Mr. Vinscent B. Gahol, katuwang ang PDRRMO, kasama ang MDRRMO Pinamalayan, MDRRMO Gloria, BFP, MHO, PNP, TMO, at mga volunteer groups na KABALIKAT, SANDUGO, at CACG, bilang bahagi ng paghahanda para sa Pandang Gitab: Festival of Lights.
Layunin nitong tiyakin ang maayos na koordinasyon ng lahat ng response clusters at katuwang na ahensya upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat mamamayan at bisita sa buong pagdiriwang.
Tinalakay ang mga mahahalagang detalye tulad ng deployment ng personnel, contingency plans, communication protocols, at emergency response procedures. Ang sama-samang paghahandang ito ay patunay ng ating dedikasyon sa isang ligtas, organisado, at masayang festival para sa lahat.
– – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –
PDRRMO Oriental Mindoro Hotlines:
Operations and Warning Division
+(63) 948 146 0382
+(63) 920 951 3690
Administration and Training Division
+(63) 916 220 1847
Research and Planning Division
+(63) 948 154 1775
