Bayan ng Pinamalayan, nagliwanag sa pagdiriwang ng Pandang Gitab 2026

April 30, 2026 | News by PISD

๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป, ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐—ฟ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—š๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ฏ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Nagningning at napuno ng liwanag ang mga lansangan sa bayan ng Pinamalayan sa Pandang Gitab Oriental Mindoro: The Festival of Lights ngayong ika-30 ng Abril.

Mula sa mga makukulay at magagandang kasuotan na hango sa flora at fauna na matatagpuan sa bundok ng Halcon, nangibabaw ang husay at pagkamalikhain ng bawat kalahok dahilan upang higit na tumingkad ang diwa ng selebrasyon.

Hindi lamag ito pista ng mga ilaw at liwanag kundi isa rin itong thanksgiving festival, pasasalamat sa pananampalataya, kalikasan at sa magagandang katangiang taglay ng mga Mindoreรฑo.

Sa 10 magkakatunggaling grupo ngayong taon, itinanghal na kampeon ang Silay Bahagsubay Dance Company, mula sa bayan ng Pinamalayan na nagpakita ng mahusay na konsepto at kahanga-hangang presentasyon. Tumanggap ang grupo ng kabuuang halagang Php. 750,000 na papremyo.

Bukod dito, itinanghal din ang grupo bilang Best in Choreography na tumanggap ng karagdagang Php. 50,000.

Nasungkit naman ng Tribu Rayaw, mula sa bayan ng Gloria ang ikalawang (2) pwesto na tumanggap ng Php. 500,000. Nakuha din nila ang special award na Best in Lighted Production Design at tumanggap ng karagdagang Php. 50,000.

Php. 300,000 naman ang natanggap na papremyo ng Arcus Luminis, mula sa Bayan ng Pinamalayan na nakakuha ng ikatlong (3) pwesto.

Itinanghal naman ang Indak-PAGANAHIS, mula sa bayan ng Puerto Galera bilang Most Disciplined Contingent na tumanggap ng Php. 35,000.

Samantala, Best in Unity Dance Presentation naman ang Indak Pastores, mula sa bayan ng Victoria na tumanggap ng Php. 50,000.

#TheCapitolNews

Source: https://www.facebook.com/share/p/18ebLiiGJe/

Scroll to Top