April 30, 2026 | News by PISD

Ang tiwala ng publiko ay nabubuo sa pamamagitan ng responsableng paggamit ng mga yaman at pag-aari ng lalawigan.Ang Provincial Government of Oriental Mindoro ay nakatuon sa transparency at pananagutan sa paggamit ng mga sasakyan ng gobyerno.
Bilang bahagi ng “Gabay sa Tamang Paggamit ng Sasakyan ng Pamahalaan”, ipinapaalala ng Provincial General Services Office sa lahat ng kawani at sa publiko ang mga mahigpit na alituntunin tungkol sa mga sasakyang may “Red Plate”:
MGA GABAY SA PAGGAMIT NG SASAKYAN NG PAMAHALAAN
1. Para sa Opisyal na Gamit Lamang
Ang sasakyan ng pamahalaan ay dapat gamitin lamang para sa mga gawain at transaksyong may kaugnayan sa opisyal na tungkulin.
2. May Awtorisasyon Bago Gamitin
Kinakailangang may pahintulot mula sa kinauukulang opisyal bago gamitin ang sasakyan. Ipinaiiral ang “No Trip Ticket, No Travel” policy.
3. Tamang Driver Lamang ang Pahihintulutan
Tanging mga awtorisadong driver ang maaaring magmaneho ng sasakyan.
4. Iwasan ang Personal na Paggamit
Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng sasakyan para sa personal na lakad o pribadong interes.
5. Sundin ang Itinakdang Ruta at Oras
Ang paggamit ng sasakyan ay dapat naaayon sa itinakdang ruta at iskedyul. Ang paggamit nang lagpas sa working hours o tuwing Sabado at Linggo ang mangangailan ng sapat na awtorisasyon.
Opisyal na Layunin ng Paggamit ng Sasakyan ng Pamahalaan
Ang sasakyan ng pamahalaan ay ginagamit lamang para sa mga gawaing may kaugnayan sa tungkulin ng opisina at sa paghahatid ng serbisyong pampubliko. Kabilang dito ang:
1. Pagganap ng Opisyal na Tungkulin
Para sa pagpunta sa mga meeting, inspeksyon, fieldwork, at iba pang gawain na bahagi ng trabaho.
2. Paghahatid ng Serbisyo sa Mamamayan
Pagsuporta sa mga programa at proyekto ng pamahalaan tulad ng outreach, relief operations, at community services.
3. Transportasyon ng mga Opisyal at Empleyado
Para sa pagdalo sa mga opisyal na lakad gaya ng seminars, trainings, at conferences.
4. Pagdadala ng Kagamitan at Dokumento
Para sa ligtas at maayos na paglipat ng mga kagamitan, supplies, at mahahalagang papeles ng opisina.
5. Pagtugon sa Emergency
Para sa mabilis na aksyon sa panahon ng sakuna, kalamidad, o iba pang urgent na sitwasyon.
Ang mga sasakyan ng pamahalaan ay pag-aari ng mamamayan. Tiyakin nating ang mga ito ay ginagamit lamang para pagsilbihan ang komunidad.
#PublicService#Accountability#DILG#GoodGovernance#OrientalMindoro#PGOM
