April 29, 2026 | News by PISD

BILATERAL TUBAL LIGATION AND VASECTOMY – NOW OPEN FOR REGISTRATION
Para sa mga mag-asawang nagkasundo na sapat na ang bilang ng kanilang mga anak, ito na po ang pagkakataon para sa permanenteng family planning methods.
Ang mga ina ay maaaring magpa–tubal ligation (pagpapatali), habang ang mga ama ay maaaring magpa–vasectomy.
Para sa mga interesado, mangyaring makipag-ugnayan sa ating Family Planning Officer, Ms. Fe Jusayan.
Ang inisyatibong ito ay bahagi ng Family Planning Caravan ng Department of Health, katuwang ang Provincial Health Office (PHO) at OMCDH.
