April 29, 2026 | News by PISD


April 29, 2026 – Bilang Chairperson ng Regional Peace and Order Council (RPOC) ng MIMAROPA, nakiisa tayo ngayong araw sa ginanap na kauna-unahang Joint National Peace and Order Council and Regional Peace and Order Council Meeting ngayong taon na ginanap sa MalacaƱang sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ang kapayapaan ay mahalagang bahagi ng kaunlaran ng isang bayan. Hindi po kailan man magiging sagot ang dahas sa kaayusan. Ang mga Pamahalaang Panlalawigan po ng MIMAROPA sa pangunguna ng mga Gobernador ay handang makinig sa lahat ng saloobin.
Nakikiisa rin tayo sa pagiging handa sa ano mang uri ng kalamidad o problemang dumating sa ating bayan.
