Serbisyo para sa sand at gravel clients, kaloob na sa CITS tuwing Lunes

April 27, 2026 | News by PISD

π—¦π—˜π—₯π—•π—œπ—¦π—¬π—’ 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗑𝗗 𝗔𝗧 π—šπ—₯π—”π—©π—˜π—Ÿ π—–π—Ÿπ—œπ—˜π—‘π—§π—¦, π—žπ—”π—Ÿπ—’π—’π—• 𝗑𝗔 𝗦𝗔 π—–π—œπ—§π—¦ 𝗧𝗨π—ͺπ—œπ—‘π—š π—Ÿπ—¨π—‘π—˜π—¦

27 Abril 2026, Roxas – Inilunsad sa Capitol in the South (CITS) ang pagbibigay ng cashiering services para sa mga kliyente ng sand and gravel o quarry, partikular ang request ng delivery transaction receipts, tuwing araw ng Lunes.

Layunin nito na higit na mapalapit at mapadali ang transaksyon ng mga kliyente at hindi na kinakailangan pang magtungo sa Kapitolyo sa Lungsod ng Calapan para rito.

Sa ngalan ni Gobernador Humerlito A. Dolor, pinangunahan ang gawain nina Provincial Administrator Atty. Earl Ligorio Turano II, PG-Environment and Natural Resources Officer Lily May E. Lim, at Acting Provincial Treasurer Christine Myra Leviste.

Isa si Abegail C. Sevilla ng Poblacion, Bongabong, sa mga unang kliyente na nakapag-avail ng serbisyong ito sa CITS. Ayon sa kanya, napakaganda at malaking tulong ang naturang serbisyo para sa kanila, lalo na sa pagpapabilis ng kanilang mga transaksyon.

“Dati, kailangan pa naming magtungo sa iba’t ibang ahensya bukod pa sa Kapitolyo, pagod na magastos pa. Ngayon, malapit na at halos 30 minutes lamang kumpara sa 2-3 hours na byahe. Less ang gastos wala pang masyadong pagod.”

Bukod dito, tuluy-tuloy na ring nagbibigay-serbisyo ang Provincial Treasurer’s Office (PTO) para sa releasing ng financial assistance na kaloob tuwing Lunes hanggang Huwebes sa CITS.

Ang PG-ENRO tumatanggap naman ng monthly production report, request for inspection or transport permit, at iba pang mga kaugnay na serbisyo.

Ang mga ito ay bahagi pa rin ng patuloy na pagpapalawak ng mga serbisyong hatid ng Pamahalaang Panlalawigan, lalo na sa mga mamamayan mula sa katimugang bahagi ng Oriental Mindoro.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1BQ4Hd5GXs/

Scroll to Top