April 25, 2026 | News by PISD

๐ก๐ฎ๐ป๐ฎ๐ ๐๐ฒ๐น๐ถ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐ป๐ฎ ๐ ๐ฎ๐น๐ถ๐ธ๐๐ถ ๐ป๐ด ๐ฃ๐๐ฒ๐ฟ๐๐ผ ๐๐ฎ๐น๐ฒ๐ฟ๐ฎ, ๐ฏ๐ถ๐ป๐ถ๐ด๐๐ฎ๐ป๐ด-๐ฝ๐๐ด๐ฎ๐ ๐ฏ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐ฐ๐ฒ๐ป๐๐ฒ๐ป๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ฎ๐ป
25 Abril 2026, Lungsod ng Calapan – Binigyang-pugay ng Pamahalaang Panlalawigan ang ika-100 taon ni Nanay Feliciana โFelingโ M. Maliksi mula sa Brgy. Sabang, Puerto Galera.
Bagamaโt maagang naging balo, buong sipag na itinaguyod ni Nanay Feling ang kaniyang pitong anak sa pamamagitan ng paglalala ng banig, ang naging pangunahin nilang kabuhayan.
Malabo man ang paningin, nakaririnig pa si Nanay Feling at malakas pa ang kaniyang memorya habang kinakausap ni Gobernador Humerlito โBonzโ A. Dolor.
Personal na iniabot ng Ama ng Lalawigan ang Php100,000.00 insentibo, Sertipiko ng Pagkilala, at bulaklak na simbolo ng pasasalamat sa mahalagang kontribusyon ni Nanay Feling sa komunidad bilang ehemplo at inspirasyon sa kaniyang makabuluhang karanasan at mahabang buhay.
Naibahagi naman ng kaniyang mga anak na pagkain ng gulay na may mga organikong pampalasa ang madalas na kinakain ng kanilang ina. Wala ring iniinom na maintenance na gamot si Nanay Feling.
Sa kasalukuyan, nasa pangangalaga si Nanay Feling ni Cristina na isa sa kaniyang mga apo habang patuloy na sinusuportahan ng kaniyang mga anak.
Pinangunahan naman ang gawain ng mga kawani ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), sa pamumuno ni PSWD Officer Zarah C. Magboo.
