GSP Southern Luzon Council, nagtipon sa Oriental Mindoro

April 25, 2026 | News by PISD

๐—š๐—ฆ๐—ฃ ๐—ฆ๐—ผ๐˜‚๐˜๐—ต๐—ฒ๐—ฟ๐—ป ๐—Ÿ๐˜‚๐˜‡๐—ผ๐—ป ๐—–๐—ผ๐˜‚๐—ป๐—ฐ๐—ถ๐—น, ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ถ๐—ฝ๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ข๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐— ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ๐—ผ

25 Abril 2026, Lungsod ng Calapan – Isang makabuluhang pagtitipon para sa nagkakaisang samahan ng Girl Scout of the Philippines (GSP) Southern Luzon Region ang isinagawa ngayong gabi sa Puerto Galera.

Masayang tinanggap ni Boy Scout of the Philippines (BSP) Oriental Mindoro Chairperson Governor Humerlito โ€œBonzโ€ A. Dolor at GSP Oriental Mindoro President Hiyas Govinda-Ramos Dolor ang mga miyembro ng 22 Councils ng GSP mula sa mga rehiyon ng Bicol, CALABARZON at MIMAROPA na dumalo sa 4th Regional Committee Meeting sa lalawigan.

Layunin nitong higit pang palakasin ang koordinasyon at pagtutulungan ng mga nasabing rehiyon para sa pagsusulong ng mga programang pang-scouting.

Binigyang-diin naman ng Gobernador sa kaniyang mensahe ang kahalagahan na maipaalala sa mga scouts ang pagsasapuso at pagsasabuhay ng kahulugan ng bawat salita sa pangakong sinasambit sa tuwing silaโ€™y manunumpa.

Kabilang naman sa mga dumalo ang GSP National Council sa pangunguna ni GSP National President Cristina Lim-Yuson.

Tinanggap din nila ang mga regalo mula sa Pamahalaang Panlalawigan at GSP Oriental Mindoro na naglalaman ng mga lokal na produktong Mindoreรฑo.

Pinangunahan ang gawain ng Provincial Tourism Office sa pamumuno ni Provincial Tourism Officer Dr. Dhon Stepherson Calda.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/18jXcqbWUd/

Scroll to Top