April 24, 2026 | News by PISD

π¦π£ππ¦ πππ‘ππ₯ππ π’π₯πππ‘π§ππ§ππ’π‘, ππ¦ππ‘ππππͺπ
24 ππ£π³πͺπ 2026, ππΆπ―π¨π΄π°π₯ π―π¨ ππ’ππ’π±π’π―β Bilang paghahanda sa kanilang pansamantalang pagta-trabaho sa ilalim ng Special Program for the Employment of Students (SPES), 53 kabataan na kabilang sa unang batch ang sumailalim sa General Orientation sa Kapitolyo ngayong araw.
Layunin ng taunang SPES na mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na kumita ngayong bakasyon habang nagkakaroon ng kaalaman at karanasan sa trabaho sa ibaβt ahensya ng pamahalaan, kabilang na sa Kapitolyo at mga paaralan sa lalawigan. Ito ay bilang paghahanda na rin sa kani-kanilang mga karera sa hinaharap.
Sa ngalan ni PPESO Manager Antonio Magnaye, Jr., pinangasiwaan ni Provincial Public Employment Service Office (PPESO) Labor and Employment Assistant Shasha M. Cruz ang oryentasyon kung saan tinalakay ang mga alituntunin, responsibilidad, at benepisyo ng mga kalahok sa ilalim ng SPES.
Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng disiplina sa trabaho, tamang asal sa opisina, at ang pagsunod sa mga patakaran ng programa upang matiyak ang maayos na implementasyon nito.
Tatagal ng 22 araw, tatanggap ng may kabuuang Php14,058.00 ang bawat kabataang magtatrabaho bilang SPES. Sa halagang ito, counterpart ng Pamahalaang Panlalawigan ang 60% samantalang 40% ang mula sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Para sa mga katanungan at karagdagang impormasyon maki pag-ugnayan sa PPESO.
