PDRRMO, nagsagawa ng Operational Briefing para sa pagbubukas ng Fontana Del Gobernador

April 24, 2026 | News by PISD

Operational Period Briefing

April 24, 2026 | 3:00 PM

Isinagawa ngayong araw ang Operational Period Briefing kasama ang iba’t ibang ahensya at katuwang na organisasyon bilang paghahanda sa inaabangang Grand Inauguration ng Fontana Del Gobernador. Tampok din sa naturang selebrasyon ang espesyal na pagtatanghal ng bandang Sponge Cola, na isa sa mga pangunahing aktibidad sa pagdiriwang ng Ika-110 Taong Anibersaryo ng Bayan ng Pinamalayan.

Sa pangunguna ni Incident Commander Ram Joseph Temeña, tinalakay sa briefing ang mga hakbang upang masiguro ang ligtas, maayos, at organisadong daloy ng programa, kabilang ang seguridad, pamamahala ng trapiko, emergency response, at iba pang public safety measures. Malinaw ding naitalaga ang mga tungkulin at responsibilidad ng bawat grupo, pati na ang mga contingency plan para sa anumang posibleng insidente.

Ipinapakita ng sama-samang pagkilos na ito ang ating matibay na adhikain na hindi lamang maging matagumpay ang selebrasyon, kundi higit sa lahat ay maging ligtas para sa lahat ng dadalo.

Source: https://www.facebook.com/share/p/15kQtPH1LNE/

Scroll to Top