April 24, 2026 | News by PISD

๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐น ๐ธ๐ฎ๐ ๐ฆ๐ฎ๐ป ๐๐ด๐๐๐๐ถ๐ป (๐ฃ๐๐ฅ๐๐ฆ๐๐), ๐ง๐ฎ๐ถ๐บ๐๐ถ๐บ ๐ป๐ฎ ๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ฑ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฃ๐ถ๐ป๐ฎ๐บ๐ฎ๐น๐ฒรฑ๐ผ
24 Abril 2026, Pinamalayan – Taimtim na isinagawa ng mga Pinamaleรฑo ang Parangal kay San Agustin (PARASAG) bilang makulay at makabuluhang pagdiriwang ng pananampalataya at pagpaparangal sa kanilang patrong si San Agustin.
Tampok sa gawain ang pagbibihis kay San Agustin, pag-aalay ng bulaklak, kandila at luwa, at pagsasabog ng barya na sumisimbulo sa taus-pusong pasasalamat ng bawat isa sa biyayang kanilang patuloy na natatamo.
Bilang nagkakaisang komunidad, ipinapaalala ng mga lider ng parokya ang pagiging matulungin o bukas-palad lalo na sa mga higit na nangangailangan.
Sa ika-89 na taong pagdiriwang, itinuturing ang gawaing ito bilang pinakapuso ng kapistahan ng kanilang bayan.
Nakiisa naman sa makabuluhang gawaing ito ang mga matataas na opisyal ng mga bayan at lalawigan kabilang sina Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor kasama si Unang Ginang Hiyas Govinda Ramos-Dolor, Bise Gobernador Antonio S. Perez Jr., 2nd District Board Member Atty. Roland H. Ruga, 2nd District Representative Alfonso V. Umali, Pinamalayan Mayor Rodolfo Magsino, Pola Mayor Jennifer M. Cruz at Pinamalayan Vice Mayor Aristeo Baldos Jr.
VIVA SAN AGUSTIN!
