April 24, 2026 | News by PISD

𝗙𝗼𝗻𝘁𝗮𝗻𝗮 𝗱𝗲𝗹 𝗚𝗼𝗯𝗲𝗿𝗻𝗮𝗱𝗼𝗿 𝘀𝗮 𝗣𝗶𝗻𝗮𝗺𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮𝗻, 𝗕𝘂𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝘀𝗮 𝗽𝘂𝗯𝗹𝗶𝗸𝗼
Binuksan na sa publiko ngayong ika-24 ng Abril ang Fontana del Gobernador – legasiya ng administrasyon ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor sa bayan ng Pinamalayan.
Pinangunahan nina Gob. Dolor at First Lady Hiyas Govinda Ramos-Dolor ang inagurasyon ng naturang atraksyon, kasama sina Bise-Gobernador Antonio S. Perez Jr., Pinamalayan Mayor Rodolfo Magsino at Vice Mayor Aristeo Baldos Jr.
Tampok dito ang musical dancing fountain na kinaaliwan ng mga dumalo sa gawain.
Bukod sa Lungsod ng Calapan, ang bayan ng Pinamalayan pa lamang ang ikalawang lugar sa lalawigan na mayroong ganitong uri ng pasilidad.
Bahagi ito ng “One town, One Legacy Project” ni Gobernador Dolor na magpapalakas ng sektor ng turismo sa bayan ng Pinamalayan.
Inaasahan itong magiging sentrong atraksyon sa mga mamamayan at maging sa mga turista sa gitnang bahagi ng lalawigan.
Samantala, kasabay ng inagurasyon ng proyektong ito ang pagdiriwang ng ika-27 Bahaghari Festival at ika-110 anibersaryo ng Bayan ng Pinamalayan.
