April 24, 2026 | News by PISD

๐ญ๐ฒ๐ฌ ๐บ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น ๐๐ฎ ๐ฆ๐ฎ๐๐ฎ๐๐ถ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ, ๐๐๐บ๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ฝ ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ด-๐ฐ,๐ฌ๐ฌ๐ฌ.๐ฌ๐ฌ ๐บ๐๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ถ๐ด๐ฎ๐ป
24 Abril 2026, Bansud – Nasa 160 mag-aaral na kalahok sa Sayawit: Kwento ng Ating Lalawigan 2025 ang nakatanggap ng tig-Php4,000.00 insentibo mula sa Pamahalaang Panlalawigan ngayong araw sa Brgy. Alcadesma, Bansud.
Nasa 120 mga mag-aaral dito ang mula sa Ikalawang Distrito at 40 ang mula sa mga bayan ng Pola at Socorro.
Pinangasiwaan ang gawain ng Provincial Public Employment Services Office (PPESO) sa pamumuno ni PPES Officer Antonio M. Magnaye, Jr.
Nagbigay rin ang Gobernador ng scholarship sa mga nasabing mag-aaral na nakapagtapos ng Grade 12 ngayong taon at papasok na sa kolehiyo sa susunod na pasukan.
Samantala, karagdagang Php2,000.00 naman ang ibinigay sa mga nasa Grade 11 pababa.
Sinuportahan ang gawain nina First Lady Hiyas Ramos Dolor, Vice Governor Atty. Antonio S. Perez, Jr. at Sangguniang Panlalawigan Board Member Atty. Roland Ruga.
