Pagbabakuna kontra Tigdas at Rubella, palalawakin

April 23, 2026 | News by PISD

π—£π—”π—šπ—•π—”π—•π—”π—žπ—¨π—‘π—” π—žπ—’π—‘π—§π—₯𝗔-π—§π—œπ—šπ——π—”π—¦ 𝗔𝗧 π—₯π—¨π—•π—˜π—Ÿπ—Ÿπ—” π—£π—”π—Ÿπ—”π—Ÿπ—”π—ͺπ—”π—žπ—œπ—‘

23 π˜Όπ™—π™§π™žπ™‘ 2026, 𝙇π™ͺπ™£π™œπ™¨π™€π™™ π™£π™œ π˜Ύπ™–π™‘π™–π™₯𝙖𝙣- Umarangkada na ang paghahanda ng lalawigan para sa malawakang pagbabakuna kontra-tigdas at rubella na nakatakdang isagawa sa Agosto.

Ito ang tiniyak sa isinagawang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA) Orientation, Microplanning at Stakeholders’ Meeting mula Abril 21 hanggang 23.

Nakatakda ang pagbubuo ng Immunization Task Force upang manguna sa implementasyon ng programa.

Target ng MR SIA ang 95% vaccination coverage sa buong lalawigan para sa mga batang may edad 6 hanggang 59 buwan.

Dinaluhan ang gawain ng Municipal Health Officers, health coordinators, Barangay Health Workers, medical society, kapulisan, DepEd, Sangguniang Kabataan Federations, National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) at iba pang stakeholders upang pagplanuhan ang sistema ng magiging pagbabakuna.

Ayon kay Provincial Health Officer II Dr. Cielo Angela A. Ante, mahalaga ang pagtutulungan ng lahat ng sektor upang mapigilan ang tuluyang pagkalat ng mga sakit, lalo na matapos ang naitalang measles outbreak sa ilang lugar sa mga nakaraang taon.

Tiniyak ng pamunuan ng Provincial Health Office (PHO), katuwang ang Department of Health-Center for Health and Development (DOH-CHD) MIMAROPA sa pamamagitan ng Provincial DOH Office ang kahandaan sa pagpapatupad ng programa. Kabilang na rito ang pagpapadala ng mga eksperto sa mga komunidad upang palawakin ang kaalaman at pagtanggap sa bakuna.

Nanawagan ang PHO ng kooperasyon mula sa publiko upang maitiyak ang tagumpay ng kampanya at maprotektahan ang mga bata laban sa vaccine-preventable diseases.

Tiniyak naman ng pamunuan ng Oriental Mindoro Medical Society (OMMS), Department of Education (DepEd) Calapan City at Oriental Mindoro Divisions, NCIP, Liga ng mga Barangay at iba pang mga katuwang na ahensya at indibidwal ang kanilang komitment at matibay na pakikipagtulungan para sa ikatatagumpay ng MR SIA sa Oriental Mindoro.

#TheCapitolNews

Source: https://www.facebook.com/share/p/18ZuHmTvtW/

Scroll to Top