4.2% na paglago ng ekonomiya ng MIMAROPA, naitala noong 2025

April 23, 2026 | News by PISD

𝟰.𝟮% 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗹𝗮𝗴𝗼 𝗻𝗴 𝗲𝗸𝗼𝗻𝗼𝗺𝗶𝘆𝗮 𝗻𝗴 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔, 𝗻𝗮𝗶𝘁𝗮𝗹𝗮 𝗻𝗼𝗼𝗻𝗴 𝟮𝟬𝟮𝟱

23 Abril 2026, Lungsod ng Calapan – Tumaas ng 4.2% ang naging paglago ng rehiyong MIMAROPA sa taong 2025 kumpara sa 2024.

Ito ay ayon sa datos na iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) MIMAROPA na pinamumunuan ni PSA MIMAROPA Regional Director Leni R. Rioflorido sa ginanap na Press Conference para sa 2023-2025 Regional Accounts of the Philippines (RAP).

Batay sa ulat ng PSA, umabot sa Php447.47 bilyon ang kabuuang naging kita ng rehiyon noong 2025 na mas malaki sa naitalang Php429.37 bilyon noong 2024 at Php411.15 bilyon noong 2023.

Nakapagtala naman ng pinakamalaking ambag sa nasabing paglago ang Services Sector sa datos na 52.2%.

Sinundan ito ng Industry Sector na may naitalang 30.6% na kontribusyon at Agriculture, forestry and fishing sa 17.2%.

Nakapagtala naman ng pinakamabilis na paglago ang Public administration and defense; compulsory social security (10.4%), Agriculture, forestry and fishing (8.3%), at Human health and social work (8.2%).

Bilang kinatawan ni Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) MIMAROPA Regional Director Augustin C. Mendoza, tiniyak ni DEPDev MIMAROPA Assistant RD Valter L. Morada na patuloy ang pagsasagawa ng mga hakbang tungo sa higit pang ikauunlad ng rehiyon sa mga susunod na taon.

Partikular aniya dito ang higit na pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura, patuloy na inobasyon gamit ang makabagong teknolohiya, pagpapalakas ng industriya ng turismo, at higit na pagpapatupad ng mga proyektong pang-imprastraktura.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1GMBgdExr6/

Scroll to Top