April 23, 2026 | News by PISD

𝟭𝟮𝟬 𝗺𝗮𝗴-𝗮𝗮𝗿𝗮𝗹 𝗻𝗴 𝗨𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘀𝘁𝗿𝗶𝘁𝗼 𝗻𝗮 𝗸𝗮𝗹𝗮𝗵𝗼𝗸 𝘀𝗮 𝗦𝗮𝘆𝗮𝘄𝗶𝘁 𝟮𝟬𝟮𝟱, 𝘁𝘂𝗺𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗽 𝗻𝗴 𝘁𝗶𝗴-𝗣𝗵𝗽. 𝟰,𝟬𝟬𝟬
23 Abril 2026, Lungsod ng Calapan – Tumanggap ng karagdagang tig-Php. 4,000.00 mula sa Pamahalaang Panlalawigan ang 120 mag-aaral mula sa Unang Distrito na kalahok sa Sayawit: Kwento ng ating Lalawigan noong nakaraang taon.
Matatandaang ito ay naging bahagi ng pagdiriwang ng ika-75 taon ng Oriental Mindoro.
Pinangasiwaan ang naturang gawain ng mga kawani ng Provincial Public Employment Service Office (PPESO) na pinamumunuan ni PPES Officer Antonio M. Magnaye Jr.
Bukod dito, masayang ibinalita ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor na magkakaloob din siya ng karagdagang pinansyal na insentibo sa mga magkokolehiyo ngayong darating na pasukan bilang pag-agapay ng Pamahalaang Panlalawigan.
Samatala, nagpaabot din ng suporta sa mga mag-aaral sina Unang Ginang Hiyas Govinda Ramos-Dolor, Bise-Gobernador Antonio S. Perez Jr., at sina Bokal Ryan Z. Arago, Bokal Ronalee E. Leachon at Bokal Alely Casubuan-Tan mula sa Unang Distrito.
