April 21, 2026 | News by PISD

PDRRMO ACTIVITY| APRIL 21, 2026
Nagsagawa ng finalization meeting para sa deployment ng Incident Management Team (IMT) ang PDRRMO kaugnay ng gaganaping Inagurasyon ng Fontana del Gobernador sa bayan ng Pinamalayan ngayong darating na Abril 24, 2026.
Kasama ang MDRRMO Pinamalayan at Traffic Management Office (TMO), napag-usapan at inilatag ang rerouting scheme ng mga sasakyan upang masiguro ang maayos at tuloy-tuloy na daloy ng trapiko sa oras ng aktibidad.
Layunin ng koordinasyong ito na mapanatili ang kaligtasan, kaayusan, at maayos na pamamahala ng mga dadalo sa nasabing okasyon.
Inaabisuhan ang lahat ng motorista at mamamayan na:
• Sumunod sa ipatutupad na traffic rerouting
• Makipagtulungan sa mga nakatalagang personnel sa lugar
• Maglaan ng sapat na oras sa pagbiyahe
Maraming salamat sa inyong kooperasyon para sa isang ligtas at matagumpay na selebrasyon!
