April 20, 2026 | News by PISD

Ngayong taon, muli nating ipagdiriwang ang isang gabi ng pinakaaabangang tradisyon na Pandang Gitab Grand Santacruzan.
Sa unang araw ng Mayo, halina’t makiisa at tunghayan ang parada ng mga makukulay na arko tampok ang mga reynang nakasuot ng magagarang mga kasuotan.
Ang prusisyong ito ay hindi lamang isang simpleng selebrasyon, kundi simbolo ng pagkakaisa, pananampalataya at debosyon.
