April 20, 2026 | News by PISD

๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ โ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐โ ๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Pinamalayan, Oriental Mindoro โ Nais linawin ng pamunuan ng Oriental Mindoro Police Provincial Office, sa ilalim ng pamumuno ni PCOL EDISON V REVITA, Provincial Director, ang kumakalat na impormasyon sa social media hinggil umano sa sunod-sunod o โnaglipanangโ kaso ng akyat-bahay sa ibaโt ibang lugar sa lalawigan.
Batay sa opisyal na tala ng OrMin PPO, mula Enero 1, 2026 hanggang sa kasalukuyan, dalawa (2) lamang ang naitalang kaso ng akyat-bahayโisa sa Calapan City at isa sa bayan ng Polaโkung saan ay nahuli ang mga suspek at na-file na ang kaso sa korte. Taliwas ito sa mga pahayag sa online na tila laganap at sunod-sunod ang ganitong uri ng krimen sa lalawigan. Gayunman, mayroon ding ilang naitalang insidente ng inside job na pagnanakaw at salisi na patuloy na iniimbestigahan ng kapulisan.
Binibigyang-diin ng OrMin PPO na ang bawat insidente ng pagnanakaw, gaano man kaliit o kalaki, ay hindi isinasantabi. Patuloy ang isinasagawang mas pinaigting na police visibility, intelligence monitoring, at case build-up operations upang matukoy at agad na mahuli ang mga sangkot, alinsunod sa layunin ng mabilis at epektibong pagtugon sa krimen.
Kasabay nito, mariin ding pinapaalalahanan ang publiko na manatiling mapagmatyag sa kanilang kapaligiran. Kilalanin nang mabuti ang mga kukuning katiwala sa bahay o negosyo, tiyakin ang seguridad ng mga tahanan, at agad na iulat sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya ang anumang kahina-hinalang aktibidad.
Nagpaalala rin ang pamunuan na ang pagpapakalat ng maling impormasyon o hindi beripikadong balita na nagdudulot ng takot at pangamba sa komunidad ay may kaakibat na pananagutan sa ilalim ng umiiral na batas. Hinihikayat ang lahat na maging responsable sa paggamit ng social media at tiyaking ang ibinabahaging impormasyon ay mula sa mapagkakatiwalaang sanggunian.
โNauunawaan namin ang pangamba ng ating mga kababayan, ngunit nais naming tiyakin na kontrolado ang sitwasyon sa lalawigan. Patuloy ang ating pinaigting na operasyon upang mapanatili ang kaayusan at seguridad. Hinihikayat namin ang publiko na makipagtulungan sa kapulisan at maging mapanuri sa impormasyong kanilang tinatanggap at ibinabahagi.โ Saad ni PCOL Revita.
Muling pinagtitibay ng OrMin PPO ang pangako na maghatid ng serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman, at patuloy na titindig upang tiyakin ang kaligtasan at kapanatagan ng bawat Mindoreรฑo.
—
“๐ฝ๐๐๐ค๐ฃ๐ ๐๐๐ ๐๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐ฝ๐๐๐ค๐ฃ๐ ๐๐๐ก๐๐ฅ๐๐ฃ๐๐จ: ๐๐๐ง๐๐๐จ๐ฎ๐ค๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐ก๐๐จ, ๐๐๐ฅ๐๐ฉ, ๐๐ฉ ๐๐๐ง๐๐ง๐๐ข๐๐๐ข๐๐ฃ.”
