April 17, 2026 | News by PISD

TINGNAN: 17 Abril 2026, Lungsod ng Calapan – Masayang sinalubong ng mga mag-aaral mula sa Mindoro State University (MinSU) – Calapan City Campus, Divine Word College of Calapan (DWCC) at City College of Calapan (CCC) si Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor at Unang Ginang Hiyas Govinda Ramos-Dolor sa kanilang pagbisita at patuloy na pakikipagkumustahan sa mga mag-aaral ngayong ika-17 ng Abril.
Samantala, nakiisa rin sa gawain ang Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Bise Gobernador Antonio S. Perez Jr. at mga board member sa Unang Distrito na sina Bokal Alely Casubuan-Tan, Bokal Ryan Arago at Bokal Bong Brucal.
