Bagong renovaye na Conference Hall ng GSP-OrMin Council Headquarters, pinasinayaan

April 17, 2026 | News by PISD

𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗿𝗲𝗻𝗼𝘃𝗮𝘁𝗲 𝗻𝗮 𝗰𝗼𝗻𝗳𝗲𝗿𝗲𝗻𝗰𝗲 𝗵𝗮𝗹𝗹 𝗻𝗴 𝗚𝗦𝗣 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹 𝗛𝗲𝗮𝗱𝗾𝘂𝗮𝗿𝘁𝗲𝗿𝘀, 𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀𝗶𝗻𝗮𝘆𝗮𝗮𝗻

17 Abril 2026, Lungsod ng Calapan – Pormal nang pinasinayaan ngayong ika-17 ng Abril ang Php. 1.4M bagong renovate na conference hall ng headquarters ng Girl Scout of the Philippines (GSP) – Oriental Mindoro Council sa Lungsod ng Calapan ngayong ika-17 ng Abril.

Pinangunahan ni GSP Oriental Mindoro Council President at Unang Ginang Hiyas Govinda Ramos-Dolor ang ribbon-cutting ceremony ng naturang gusali kasama si Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor.

Bukod sa proyektong ito, ipinangako rin ni Gobernador Dolor na magkakaloob siya ng dalawang (2) yunit ng aircon upang mas maging maaliwalas at komportable ang mga bisita at myembro ng kanilang samahan sa pagdaraos ng mga pagpupulong at iba pang mahahalagang aktibidad dito.

Ang bagong headquarters na ito ng GSP ay simbolo ng patuloy na paglago ng organisasyon at ng kanilang dedikasyon sa pagpapalakas ng mga kabataan sa Oriental Mindoro.

#TheCapitolNews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1Hsapq148i/

Scroll to Top