Salamat at paalam, Atty. Renato Zosimo Evangelista

April 16, 2026 | News by PISD

𝗦𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗧 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗠, 𝗔𝗧𝗧𝗬. 𝗥𝗘𝗡𝗔𝗧𝗢 𝗭𝗢𝗦𝗜𝗠𝗢 𝗘𝗩𝗔𝗡𝗚𝗘𝗟𝗜𝗦𝗧𝗔

Nakikiramay ang Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro sa pagpanaw ni Atty. Renato Zosimo B. Evangelista, ang kauna-unahang abogadong katutubo mula sa tribong Hanunuo.

Naglingkod din siya bilang isang mahusay na Provincial Legal Officer ng ating lalawigan.

Bilang isang abogado, matapang niyang ipinaglaban ang karapatan ng kanyang mga kapwa katutubo. Isa siyang naging matibay na sandigan at tagapagtanggol ng kapakanan ng mga katutubo sa lalawigan, lalong higit sa usaping lupaing ninuno.

Ang kanyang mga iniwang magagandang gawi ay mananatiling buhay sa isip at sa puso ng bawat isa.

Muli, paalam Atty. Evangelista.

Source: https://www.facebook.com/share/p/17M3SiNN4B/

Scroll to Top